March 19, 2006

Paalam FRIENDS

Finally hindi na aalis si Rachel, bumalik na sya kay Ross at nagdecide silang magsama muli. Sina Chandler at Monica naman ay lilipat na sa isang bahay sa ibang syudad, sa araw rin mismo sana ng flight ni Rachel pa-Paris. Merong Joey room sa bahay nilang iyon. Huling eksena sa apartment nila Monica't Chandler, ngayo'y wala nang laman. Tinanong ni Joey kung matagal nang purple ang kulay ng mga dingding. Nakahilera silang anim na nangingilid ang mga luha. "So I guess this is it". Naalala ni Monica na dapat iwanan ang susi. Lahat sila'y may kopya nito kaya isa isang nilapag ang mga kopya nila sa mesa. Me oras ba kayong magkape? Tanong ni Rachel. "Sure," sabi ni Chandler..."where?" habang papalabas sila sa apartment na iyon. Tapos bumaba na sila ng hagdan. Nagpanning ang camera sa loob ng apartment, mula sa bintana kung saan nakikita ng magkakaibigan ang naghuhubo sa kabilang apartment building, hanggang sa famous refrigerator na nire-raid lagi ni Joey, tapos sa counter ng kusina ni Monica, sa anim na susing nakapatong doon na ngayo'y wala nang may-ari, finally sa pintuan na may frame sa peephole. Yun na ang last shot. Tapos na ang FRIENDS. Parang ubos na rin ang tissue ko...

No comments: