Ano ba to. Nakakahalata na yata ako. Sa susunod na linggo ikakasal na utol ko. Hindi ako inobligang umuwi para makicelebrate. May isolation na kayang namumuo sa pagitan ko at ng mga kapatid kong nasa Pinas? Tunay na bang maituturing akong OF na nalulugmok sa kawalan ng 'belonging' sa pamilya pagkatapos ng maraming taon sa ibang bansa-ibang kultura-ibang pag-uugali ng mga tao? Sabagay matagal naman nang alienated ang utol kong bunso sa akin mula nang nilayasan kong nanay niya. Simula nang nilayasan din nya ito, tila hiwalay na nga ang landas ng buhay naming magkakapatid. Ni hindi masama ang loob ko na ako lang ang wala sa kasal. Sa kabilang banda, hindi ko naman talaga maiwanan ang trabaho ko, kahit napaka-monotonous ng pattern nito: meeting, report, plan, conduct the activity, assess, propose, meeting ulit. Ang napakadalang na pamutol ng redundancy- sine, spa, karaoke, drinks. E kung walang me birthday, o anniversary, o victory, o bonus, e di wala. Meron pa kayang darating na life-changing circumstance sa buhay ko, na biglang hihila sa akin sa panibagong buhay? Yung hindi nangangahulugan ng pagkakakulong o pagkakasakit nang malala, kundi....yung.... iba. Minsan, tinitignan ko ang mga kasamahan ko sa opisina, ang pakiramdam ko sa kanila'y ganun din ang nararamdaman-waiting to exhale. Pero walang personal na usapan. Hindi namin alam ang mga sikreto ng bawat isa, kahit sumasabog sa malalalim na pakahulugan ang karamihan ng kilos at pananalita ng mga "colleagues" ko... heavy ang sense kong may kanya-kanya silang dinadala- each one of them....pero wala sa amin ang may comfort level na alamin ang anuman sa isa't isa. Or, well, dun sa mga bata, hindi siguro interesting sa matatanda kung anong preoccupation nila. But for the ex-pats, ganito rin kaya ang kundisyon ng relasyon nila sa pamilya nila?